Filipino - Filipino
Lahat ng mga tagapag-empleyo sa Australya ay kailangang sumunod sa mga batas sa lugar ng trabaho kahit pa ang kanilang mga manggagawa ay may hawak na visa.
Maaari kaming makatulong sa iyo na maunawaan ang iyong mga karapatan at mga tungkulin sa trabaho.
Panoorin ang aming maikling video tungkol sa pagtatrabaho sa Australya.
Pagsisimula
Alamin ang higit pa tungkol sa pagtatrabaho sa Australia:
- suweldo
- Mga Pang-Impormasyong Pahayag tungkol sa Pagtatrabaho (Employment information statements)
- mga bakasyon at oras na pahinga sa trabaho
- pagtatapos ng pagtatrabaho
- kailangan ng tulong
- tumawag sa amin.
Tingnan ang aming Gabay sa pagsisimula ng bagong trabaho Gabay sa pagsisimula ng bagong trabaho (Guide to starting a new job) para sa karagdagang impormasyon.
Sahod
Iba't iba ang mga minimum na rate ng pasuweldo sa iba't ibang uri ng mga trabaho na lahat ng mga empleyado ay kailangang bayaran. Bilang isang gabay, ang empleyado na 21 taong gulang o higit pa ay dapat tumatanggap ng hindi bababa sa $24.10 kada oras o $30.13 kung hindi nakakatanggap ng bayad na bakasyon.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang aming Pahina para sa kabayaran sa trabaho.
Kung ang isang empleyado ay kailangang magsanay, dumalo sa mga pulong o buksan at isara ang negosyo bilang bahagi ng kanilang trabaho, dapat silang bayaran nang tama para sa lahat ng oras na trinabaho nila. Ang mga empleyado ay dapat bayaran ng pera, hindi ng mga kalakal at mga serbisyo tulad ng pagkain, damit o tirahan.
Mga Pang-Impormasyong Pahayag tungkol sa Pagtatrabaho (Employment information statements)
May 3 mahalagang dokumento ang lugar ng trabaho para sa mga empleyado sa Australya. Ang mga dokumento ay nagbibigay ng impormasyon sa mga bagong empleyado tungkol sa kanilang mga karapatan sa trabaho:
Pahayag ng Impormasyon sa Patas na Trabaho (Fair Work)
Dapat bigyan ng mga employer ang bawat bagong empleyado ng kopya ng Fair Work Information Statement (FWIS) bago magsimula ng trabaho, o sa lalong madaling panahon.
Pahayag ng Impormasyon sa Casual Employment
Dapat ding sabay na bigyan ng employer ang bawat bagong casual employee ng kopya ng Casual Employment Information Statement (CEIS).
Pahayag ng Impormasyon sa Fixed Term Contract
Ang mga empleyado na nasa bagong fixed term contract ay dapat bigyan ng Fixed Term Contract Information Statement (FTCIS).
Mga bakasyon at bakasyon sa trabaho
Maaaring lumiban sa trabaho ang mga empleyado. Ito ay tinatawag na 'bakasyon' (leave). Kabilang dito ang:
- bayad na bakasyon sa mga pagbabakasyon
- bayad na bakasyon kung sila ay may sakit o sa nag-aalaga ng isang tao
- bakasyon kung bagong panganak
Maghanap ng karagdagang impormasyon sa aming pahina ng mga bakasyon at pagkuha ng bakasyon.
Pagtatapos ng pagtatrabaho
Ang isang empleyado ay maaaring magbitiw o maaaring sisantihin (fired).
Mahalagang ibigay ang tamang panahon ng pabatid (notice). Gamitin ang aming kalkulador sa Pabatid at Redundancy (Notice and Redundancy) upang makalkula ang mga karapatang matatanggap sa pabatid at redundancy (redundancy).
Kailangan mo ba ng tulong?
Maaari kaming makatulong kung ikaw ay may problema sa iyong suweldo o mga kondisyon sa trabaho. Makipag-usap sa amin sa iyong wika. Lahat ay may pare-parehong mga karapatan sa lugar ng trabaho sa Australya. Panoorin ang aming maikling video upang malaman ang higit pa.
Para sa impormasyon kung paano maaaring makatulong sa iyo ang Fair Work Ombudsman sa mga di-pagkakaunawaan sa lugar ng trabaho, mangyaring sumangguni sa aming Pahina ng tulong sa paglutas ng mga isyu sa lugar ng trabaho.
Kung nag-aalala ka na mayroong hindi sumusunod sa mga batas sa lugar ng trabaho ngunit ayaw mong masangkot, maaari mo ring iulat ang isyu sa amin nang hindi ka nagpapakilala.
Ang isang empleyado ay hindi malalagay sa alanganin sa pakikipag-ugnay sa Fair Work Ombudsman upang humingi ng impormasyon tungkol sa kanilang suweldo at mga karapatang matatanggap.
Lahat ng mga manggagawa sa Australya ay may pare-parehong mga proteksyon sa lugar ng trabaho. Panoorin ang aming maikling video upang malaman ang higit pa.
Tawagan kami
Kung kailangan mo ng interpreter, tawagan ang Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterprete (TIS) sa 131 450 upang itakda ang oras ng pakikipag-usap sa amin nang libre sa iyong wika. Sabihin sa opereytor ang wika na sinasalita mo at hilingin sa kanila na tumawag sa amin sa 131 394. Maaari mong tawagan ang TIS mula sa labas ng Australya sa +61 3 9268 8332.