Mga bakasyon at bakasyon sa trabaho

Ang mga empleyado ay maaaring kumuha ng bakasyon sa oras ng trabaho sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang:

Lahat ng mga empleyado, maliban sa mga kaswal (casual), ay may karapatan sa bayad na oras para sa mga pista opisyal at mga bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga.

Kapag lumiliban, ang mga empleyado ay kailangang bayaran ng kanilang minimum na rate ng suweldo, hindi kabilang ang overtime, mga multa, allowance o bonus.

Suweldo sa bakasyon

Ang suweldo sa bakasyon (na kilala rin bilang taunang bakasyon (annual leave)) ay nagbibigay-daan para mabayaran ang isang empleyado habang nagbabakasyon sa trabaho.

Panoorin ang aming maikling video tungkol sa taunang bakasyon.

Gaano karaming bakasyon ang nakukuha ng isang empleyado?

Ang full-time at part-time na mga empleyado at tumatanggap ng 4 na linggong taunang bakasyon bawat taon. Ang ilang mga empleyado ay makakakuha ng dagdag na bayad na tinatawag na dagdag-bayad sa taunang bakasyon (annual leave loading).

Ang mga kaswal na mga empleyado ay hindi tumatanggap ng bayad na bakasyon, ngunit maaaring humiling sa kanilang mga tagapag-empleyo ng walang-bayad na bakasyon sa mga pista opisyal.

Kailan maaaring makapagbakasyon?

Ang mga empleyado ay magsisimulang makaipon ng kanilang pangtaunang bakasyon mula sa simula ng kanilang pagtatrabaho. Maaari itong:

  • kunin anumang oras sa unang 12 buwan ng trabaho
  • para sa anumang haba ng oras, kabilang ang isang araw o bahagi nito.

Ang isang tagapag-empleyo at empleyado ay kailangang magkasundo kung kailan kukunin ang bakasyon. Maaari lamang tanggihan ng isang tagapag-empleyo ang kahilingan ng empleyado para sa taunang bakasyon kung ang pagtanggi ay makatwiran.

Minsan ay maaaring ipag-utos ng tagapag-empleyo sa kanilang mga empleyado na kumuha ng taunang bakasyon.

Pagtatapos ng pagtatrabaho

Kapag natapos na ang pagtatrabaho, ang mga empleyado ay dapat bayaran sa kanilang naipong taunang bakasyon na hindi nagamit.

Kailangang kasama sa halagang ibinayad ang dagdag-bayad sa taunang bakasyon (annual leave loading) kung ang karagdagang ito ay ibabayad kung ang empleyado ay kumuha ng bakasyon habang nagtatrabaho pa.

 Ano ang susunod na gagawin

  • Para makalkula ang bayad sa bakasyon o bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga, pumunta sa aming Kalkulador sa bakasyon (Leave Calculator)