Pagtatapos ng pagtatrabaho
Ang isang empleyado ay maaaring magbitiw o masisante (fired).
Upang magsisante ng empleyado, kailangang magbigay sa kanila ang tagapag-empleyo ng nakasulat na pabatid (notice) ng kanilang huling araw sa trabaho. Hindi kailangang magbigay ng mga empleyadong magbibitiw sa trabaho ng abisong nakasulat - maaari nila itong sabihin na lang.
Ilang araw na pabatid?
Kailangang bigyan ng tagapag-empleyo ang isang permanenteng empleyado ng mga sumusunod na minimum na tagal ng pabatid:
Haba ng serbisyo | Tagal ng pabatid |
---|---|
1 taon o mas mababa | 1 linggo |
Higit sa 1 taon - 3 taon | 2 linggo |
Higit sa 3 taon - 5 taon | 3 linggo |
Higit sa 5 taon | 4 linggo |
Ang isang empleyado ay makakakuha ng dagdag na linggo ng pabatid kung sila ay lampas sa 45 taong gulang at nagtrabaho sa tagapag-empleyo nang hindi bababa sa 2 taon.
Ang mga empleyado ay kailangang magbigay ng parehong tagal ng abiso sa kanilang tagapag-empleyo kung nais nilang iwan ang kanilang trabaho. Gamitin ang aming Kalkulador ng Pabatid at Redundancy (Notice and Redundancy Calculator) upang makakuha ng impormasyon tungkol sa minimum na mga tagal ng pabatid.
Ang isang empleyado ay hindi dapat sisantihin dahil sa pagtatanong o pagrereklamo tungkol sa kanilang suweldo o mga karapatan sa lugar ng trabaho.
Panoorin ang aming maikling video tungkol sa pagwawakas ng pagtatrabaho.
Ano ang susunod na gagawin
- Gamitin ang aming template ng liham ng Pagtatapos ng trabaho (Termination of employment letter template)