Mga isyu sa lugar ng trabaho
May kilala ka bang taong hindi tumatanggap ng tamang sahod? May narinig ka bang isang negosyo o organisasyon na hindi gumagawa nang tama? Maaari ka naming tulungang resolbahin ang isyu o maaari mo ring ibahagi sa amin ang iyong impormasyon nang hindi nagpapakilala.
Pagpipilian 1: Humingi ng tulong sa pagresolba ng mga isyu sa lugar ng trabaho
Gusto mo ba ng payo kung paano resolbahin ang isang isyu sa iyong lugar ng trabaho?
Sundin ang aming inilarawang magkakasunod na Gabay sa pagresolba ng mga di-pagkakaunawaan sa lugar ng trabaho (Guide to resolving workplace disputes). Kung kailangan mo ng isang interpreter, maaari kang tumawag sa Serbisyo ng Pagsasalin at Pag-iinterpreta (TIS) sa 131 450. Sabihin sa opereytor ang wikang ginagamit mo at hilingin sa kanila na tawagan kami sa 131 394. Maaari ka ring tumawag sa TIS mula sa labas ng Australia sa +61 3 9268 8332.
May karapatan ka sa minimum na pasahod at mga kondisyon sa trabaho, kahit na nilabag mo ang iyong visa. May kasunduan kami sa Kagawaran ng Imigrasyon at Proteksyon ng Hangganan (Department of Home Affairs - DHA) na ang pansamantalang visa ng isang tao ay hindi kakanselahin kung siya ay lalapit at hihingi sa amin ng tulong, hangga't sila ay:
- may karapatang magtrabaho bilang bahagi ng kanilang visa
- ·naniniwala na sila ay sinamantala sa trabaho
- inulat ang kanilang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa amin
- ay tumutulong sa amin sa pagsisiyasat.
Ito ay naaangkop hangga't:
- Sinusunod nila ang mga kondisyon ng kanilang visa sa hinaharap
- wala nang iba pang mga dahilan kung bakit ang kanilang visa ay kakanselahin (tulad ng mga kadahilanang may kinalaman sa pambansang seguridad, karakter, kalusugan o panlilinlang).
Magbasa nang higit pa tungkol sa mga karapatan sa lugar ng trabaho para sa lahat ng mga may hawak ng visa na nagtatrabaho sa Australya sa website ng DHA.
Pagpipilian 2: Iulat ang isang alalahanin sa lugar ng trabaho nang hindi nagpapakilala
Kung ikaw ay nag-aalala na may isang tao na hindi sumusunod sa mga batas sa lugar ng trabaho ngunit ayaw mong masangkot, maaari mong iulat ang isyu sa amin nang hindi nagpapakilala.
Kabilang na ilang mga halimbawa ng mga bagay na maaari mong ipagbigay-alam sa amin ay:
- sahod – katulad ng isang empleyado na hindi binabayaran ng hindi bababa sa pinakamababang rata ng pasahod para sa kanilang trabaho o hindi binibigyan ng kanilang mga resibo sa pagsahod (pay slip)
- bakasyon – katulad ng hindi nakakakuha ng binabayarang pagbakasyon ng may sakit (sick leave)
- mga kundisyon sa lugar ng trabaho – katulad ng isang taga-empleyo na lumalabag sa mga patakaran ng pamamahinga, mga roster at mga oras ng trabaho
- pagwawakas ng trabaho – katulad ng isang empleyadong hindi nakakatanggap ng tamang babala o mga nararapat matanggap sa redundancy
- mga anunsyo ng trabaho – katulad ng isang negosyo na nagpapaanunsyo ng mga trabahong may paglabag sa batas na mga rata ng pasahod.
Hindi ka namin kokontakin ngunit ang impormasyon na ibibigay mo sa amin ay:
- makatutulong sa aming planuhin ang kasalukuyan at panghinaharap na mga gawain
- maaaring ibahagi sa iba pang mga lupon ng Commonwealth, Estado o Teritoryo.
Gumawa ng isang ulat ngayon nang hindi ka nagpapakilala
Ano ang susunod na gagawin
- Gamitin ang I-record aking mga oras na app (Record my hours app) upang subaybayan ang iyong mga oras sa trabaho.