Ano ang aming ginagawa

Ang Fair Work Ombudsman ay namamahala sa mga batas ng Australya sa lugar ng trabaho.

Ang aming mga serbisyo ay libre para sa lahat ng mga empleyado at tagapag-empleyo.

Kami ay:

  • nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas ng Australya sa lugar ng trabaho
  • tumutulong sa mga empleyado at mga tagapag-empleyo na malaman ang tungkol sa kanilang mga karapatan at mga obligasyon
  • nagtatasa at nagsisiyasat kung sinusunod nga ang mga batas sa lugar ng trabaho
  • ipatutupad ang mga batas sa lugar ng trabaho kung ito ay hindi sinusunod.

Ang Fair Work Ombudsman ay nagpapatrabaho sa mga Inspektor ng Fair Work upang itaguyod at subaybayan ang pagsunod sa mga batas sa lugar-trabaho. Ang mga Inspektor ng Fair Work ay may ilang mga kapangyarihan upang isagawa ang kanilang tungkulin. Kabilang sa mga ito ang kapangyarihan upang:

  • pasukin ang mga lugar-trabaho,
  • mag-inspekt at kapanayamin ang mga tao
  • hingin ang mga rekord. 

Ang Fair Work Ombudsman ay narito upang tumulong sa iyo. Ang isang empleyado ay hindi malalagay sa alanganin dahil sa pakikipag-ugnayan sa Fair Work Ombudsman upang humingi ng impormasyon tungkol sa kanilang suweldo o iba pang mga karapatan.

Pinahahalagahan namin ang iyong feedback at mga reklamo

Ang iyong feedback ay tumutulong sa aming pagbutihin ang aming mga serbisyo. Ang mga Patakaran sa Feedback at mga Reklamo (Feedback ang Complaints Policy) ay nagpapaliwanag kung paano namin pinamamahalaan ang feedback at mga reklamo ng mga customer.

Maaari mong ibigay sa amin ang iyong feedback tungkol sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng aming pormularyo ng Feedback .