Bakasyon para sa karahasan sa pamilya at tahanan
Ang lahat ng mga empleyado ay makakagamit ng 10 araw na may bayad na bakasyon para sa karahasan sa tahanan at pamilya bawa`t taon. Kabilang dito ang di-buong oras at kaswal na mga empleyado.
Nasa pahinang ito:
- Kahulugan ng karahasan sa pamilya at tahanan
- Kailan maaaring gamitin ng empleyado itong bakasyon
- Paano naiipon ang bakasyon
- Bayad para sa bakasyon
- Mga kinakailangang katunayan ng sahod
- Paunawa at ebidensya para sa bakasyon
- Kumpidensyalidad
Kahulugan ng karahasan sa pamilya at tahanan
Ang karahasan sa pamilya at tahanan ay nangangahulugang marahas, nagbabanta o iba pang ugaling mapang-abuso na ginagawa ng ilang mga tao na kilala ng isang empleyado na magkaparehong:
- hinahangad na pwersahin o kontrolin ang empleyado
- nagdudulot sa kanila ng pinsala o takot.
Ang indibidwal ay maaaring:
- ang malapit na kamag-anak ng empleyado
- isang kasambahay ng empleyado, o
- isang kasalukuyan o dating matalik na kapartner ng empleyado.
Ang malapit na kamag-anak ay:
- na kaano-ano ng empleyado:
- asawa o dating asawa
- de facto partner o dating de facto na partner
- anak
- magulang
- lolo/lola
- apo
- kapatid
- anak, magulang, lolo/lola, apo o kapatid ng kasalukuyan o dating asawa o de facto na asawa o kaya
- isang tao na kamag-anakan ng empleyado batay sa mga tuntunin ng kamag-anakan ng Aborihinal o Torres Strait Islander.
Kailan maaaring gamitin ng empleyado itong bakasyon
Ang empleyado ay dapat na dumaranas ng karahasan sa pamilya at tahanan para maging marapat sa paggamit ng may bayad na bakasyon sa karahasan sa pamilya at tahanan.
Magagamit ng empleyado ang bakasyong ito kung kailangan nilang gumawa ng bagay para harapin ang epekto ng karahasan sa tahanan, na hindi nila praktikal na magagawa sa mga oras nang pagkatapos ng kanilang trabaho.
Halimbawa, makakabilang dito ang:
- pagsasagawa ng mga kaayusan para sa kanilang kaligtasan, o kaligtasan ng isang malapit na kamag-anak (kasali ang paglilipat ng tirahan)
- pagdalo sa mga usapin sa korte
- paggamit ng mga serbisyo ng pulisya.
Hindi kailangang gamitin agad ang lahat ng bakasyon. Maaari itong gamitin ng isang araw o maraming araw.
Ang tagapag-empleyo at empleyado ay maaari ding magkasundo na gagamitin ng empleyado nang hindi buong araw sa tuwing gamit ng bakasyon.
Paano naiipon ang bakasyon
Ang lahat ng mga empleyado ay tatanggap ng paunang 10 araw na may bayad na bakasyon. Hindi nila kailangang ipunin ang baksyong ito sa loob ng ilang panahon.
Ang pagkamarapat ay kusang umuulit tuwing 12 buwan kada anibersaryo sa trabaho ng empleyado. Hindi ito naiipon taon-taon kung hindi ginagamit.
Bayad para sa bakasyon
Binabayaran ang mga empleyadong buong oras at di-buong oras sa trabaho nang kanilang buong sweldo para sa mga oras na dapat nasa trabaho kung hindi sila nakabakasyon.
Ang mga kaswal na empleyado ay binabayaran ng kanilang buong sweldo kung naka-roster magtrabaho sa araw nang ginamit nila ang bakasyon. Kung gumamit ng bakasyon ang kaswal na empleyado sa araw na hindi sila naka-roster, hindi sila kailangang bayaran sa araw na iyon.
Ang buong bayad ng isang empleyado ay ang kanilang batayang sahod at dagdag ang anumang:
- mga incentive-based na bayad at bonus
- mga dagdag na bayad (loadings)
- mga allowance na pera
- mga overtime o penalty rate
- anumang ibang mga hiwalay na natutukoy na halaga.
Mga kinakailangang katunayan ng sahod
May mga tuntunin tungkol sa impormasyong hindi dapat makabilang sa katunayan ng sahod ukol sa bayad sa bakasyon para sa karahasan sa pamilta at tahanan. Ito ay para mabawasan ang peligro sa kaligtasan ng empleyado tuwing gumagamit ng may bayad na bakasyon ng karahasan sa pamilya at tahanan.
Pag-aralan ang inilalapat na mga tuntunin sa Pay slips.
Paunawa at ebidensya para sa bakasyon
Kung ang empleyado ay gagamit ng may bayad na bakasyon para sa karahasan sa pamilya at tahanan, kailangang ipaalam kaagad sa kanilang tagapag-empleyo. Maaaring mangyari ang ganito matapos na magsimula ang bakasyon.
Ang mga empleyado ay kailangan ding magsabi sa kanilang tagapag-empleyo kung gaano katagal aabutin ang bakasyon.
Ang isang tagapag-empleyo ay makakahingi sa kanilang empleyado ng ebidensya para ipakita na ang empleyado ay gumamit ng bakasyon para harapin ang epekto ng karahasan sa pamilya at tahanan. Ang ebidensya ay kailangang mapapaniwalaan ng isang resonableng tao na ginamit nga ng empleyado ang bakasyon para sa pakay na ito.
Kung hindi makapagbigay ang empleyado ng hininging ebidensya, maaaring hindi sila marapat gumamit ng bakasyon.
Kabilang sa mga klase ng ebidensya ay:
- isang sinumpaang deklarasyon
- mga papeles na galing sa pulisya
- mga papeles na galing sa korte, o kaya
- mga papeles mula sa serbisyong tagasuporta sa karahasan sa pamilya.
Kumpidensyalidad
Ang mga tagapag-empleyo ay dapat gumawa ng mga resonableng hakbang para mapanatiling kumpidensyal ang impormasyon tungkol sa sitwasyon ng empleyado kapag natanggap nila ito bilang bahagi ng aplikasyon para sa bakasyon. Kabilang dito ang:
- impormasyon tungkol sa pagbibigay paunawa ng empleyado na gagamit sila ng bakasyon
- anumang ebidensya na kanilang ibibigay.
Maaaring ibunyag ng tagapag-empleyo ang impormasyong ito sa ilang mga limitadong sitwasyon. Halimbawa, kung kinakailangan ng batas.