Pagliban ng magulang
Maaaring makakuha ng pagliban ng magulang kung:
- manganganak ang empleyado
- manganganak ang asawa o de facto na ka-partner ng empleyado
- umampon ang empleyado ng batang wala pang 16 taong gulang.
Sino ang may karapatan sa pagliban ng magulang
May karapatan ang mga empleyado sa walang bayad na pagliban ng magulang (unpaid parental leave) kung sila ay nagtrabaho sa taga-empleyo ng hindi bababa ng 12 buwan.
Ang mga di-permanenteng (casual) empleyado ay makakakuha ng walang bayad na pagliban ng magulang kung sila ay:
- nakapagtrabaho ng regular sa kanilang taga-empleyo ng di-bababa ng 12 buwan
- inaasahang magpapatuloy sa regular na pagtrabaho sa kanilang taga-empleyo.
Gaano karami ang pagliban ng magulang na makukuha ng isang empleyado
Ang mga empleyado ay may makukuhang 12 buwan na walang sahod na pagliban ng magulang.
Kung nasimulan na ng isang empleyado ang kanilang walang sahod na pagliban, maaari silang mag- aplay na maipagpatuloy ito ng karagdagang 12 buwan.
Paano makakakuha ang isang empleyado ng pagliban ng magulang
Ang isang empleyado ay maaaring kumuha ng walang sahod na pagliban ng magulang:
- bilang patuloy na panahon (halimbawa, 6 na buwan na patuloy)
- naibabagay hanggang 100 araw (halimbawa, maraming tig-isang mga araw)
- bilang isang kombinasyon ng isang patuloy na panahon at mga naibabagay na araw.
Kung ang dalawang magulang ay gustong kumuha ng pagliban ng magulang
Ang 12 buwan na walang sahod na pagliban ng magulang ay maaaring kuhanin ng dalawang magulang at kuhanin sa magkaparehong panahon.
Ang dalawang magulang ay maaari ring mag-aplay na madagdagan ang kanilang pagliban nang hanggang 12 buwan ng labis sa naunang pagliban.
Ilang araw ang kailangang abiso para sa pagliban ng magulang
Dapat magbigay ang mga empleyado ng di-kukulangin sa 10 linggo na abiso (notice) bago ang pagsisimula ng walang sahod na pagliban ng magulang.
Ang mga empleyado ay dapat ding ikumpirma ang mga petsa ng pagliban ng di-kukulangin sa 4 na linggo bago magsimula ang pagliban.
Natatanging pagliban ng magulang
Ang isang empleyado ay maaaring kumuha ng walang sahod na pagliban (unpaid leave) kung hindi sila makapagtrabaho dahil:
- sila ay buntis at may mga karamdamang kaugnay sa pagbubuntis, o
- nagwakas ang kanilang pagbubuntis pagkatapos ng 12 linggo dahil sa pagkalaglag, pagkaalis o pagsilang ng patay.
Itong uri ng pagliban ay tinawag na natatanging walang sahod na pagliban ng magulang (special unpaid parental leave).
Ligtas na pagtrabaho
Ang mga buntis na empleyado ay may karapatan sa isang ligtas na pagtrabaho (safe job) kung hindi sila pupwede sa dating trabaho dahil sa kanilang pagbubuntis.
Dapat magbigay ang empleyado ng katibayan sa kanilang taga-empleyo (halimbawa, isang medical certificate) tungkol sa pangangailangan ng isang ligtas na pagtrabaho.
Kung walang ligtas na trabaho, ang empleyado ay makakakuha ng pagliban dahil sa walang ligtas na trabaho (no safe job leave). Dapat bayaran ng taga-empleyo itong pagliban kung kwalipikado ang empleyado sa pagliban ng magulang.
Pagbabalik sa trabaho mula sa pagliban ng magulang
Kung babalik na ang isang empleyado sa trabaho, sila ay may karapatang bumalik sa trabaho na iniwan nila bago umalis dahil sa pagliban ng magulang.
Dapat makabalik ang empleyado sa trabahong ito kahit na may taong gumagawa doon habang sila ay nasa pagliban.
Nabayarang pagliban ng magulang
Ang mga empleyado ay makakakuha ng kabayaran sa pagliban ng magulang mula sa Pamahalaan ng Australya. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Services Australia – Parental Leave Pay.
Ang mga empleyado ay maaari ring makakuha ng kabayaran sa pagliban ng magulang mula sa kanilang taga-empleyo.