Bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga
Makakakuha ang mga empleyado ng bakasyon ng maysakit (sick leave) kung sila ay may karamdaman o nasugatan at hindi makakapasok sa trabaho. Makakakuha rin sila ng bakasyon upang mag-aalaga ng isang taong may sakit o nasugatan.
Ang bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga ay kilala rin bilang bakasyong personal (personal leave).
Ang mga empleyado ay maaaring kumuha ng bakasyon ng tagapag-alaga (carer’s leave) upang mag-alaga o umalalay sa isang kasambahay o isang miyembro ng kanilang pamilya (hal. asawa, ka-partner, magulang, madrasta/o, anak, kapatid, lolo o lola). Ang tao ay kailangang may sakit o nasugatan o nangangailangan ng tulong dahil sa hindi inaasahang emerhensiya.
Ang mga empleyado ay maaaring mag-ipon ng mga bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga sa sandaling magsimula sila sa pagtatrabaho. Ito ay maaaring makuha anumang oras, kabilang ang mga unang 12 buwan sa trabaho.
Maaaring humiling ang mga tagapag-empleyo sa mga empleyado na magbigay ng katibayan kung bakit kailangan nilang kumuha ng bakasyon. Ito ay karaniwang isang pagpapatunay ng doktor o isang pahayag sa batas (statutory declaration).
Gaano karaming bakasyon ang nakukuha ng isang empleyado?
Ang mga full-time at part-time na mga empleyado ay makakukuha ng hanggang sa 10 araw ng bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga bawat taon. Ang bilang ng mga bakasyon ay nakasalalay sa bilang ng oras na karaniwang tinatrabaho nila bawat linggo. Ang anumang bakasyon na matitira sa katapusan ng bawat taon ay idadagdag sa susunod na taon.
Ang mga kaswal ay tatanggap ng 2 araw na walang bayad na bakasyon ng tagapag-alaga sa tuwing kailangan nila nito.
Ang full-time at part-time na empleyado ay maaaring kumuha ng walang bayad na bakasyon ng tagapag-alaga kung wala silang natitirang may bayad na bakasyon ng maysakit o bakasyon ng tagapag-alaga.
Pagtatapos ng pagtatrabaho
Kadalasang hindi na kailangang bayaran ng mga tagapag-empleyo ang mga empleyado para sa anumang bakasyon ng maysakit at tagapag-alaga na hindi nila nagamit nang nagtapos ang kanilang pagtatrabaho.